Kasong plunder vs generals uusok, liliyab

SUMISINGAW sa Kamara ang balitang inilalakad na ng Department of Justice ang pagsasampa ng  kasong plunder o pandarambong laban sa mga heneral na inaakusahang korap.

Kung bakit sa DOJ ipararaan ang kaso ay dahil retirado na ang mga heneral, bukod lang kay Heneral Roy Cimatu na reappointed bilang special envoy para sa mga overseas Filipino workers in distress. Bagama’t pumanaw na, tila isasama si Hen. Angelo Reyes sa kaso, kabilang na si Hen. Diomedio Villanueva.

Mabuting uusad ang kaso sa ganitong paraan upang sa hukuman talaga masubaybayan ng taumbayan kung totoo nga ang mga akusasyon o hindi.

Kabilang sa mga akusasyon ang P10 milyong pasalubong sa tatlong nabanggit na heneral sa kanilang panunungkulan bilang chiefs of staff at P50M, P80M at P160M na pabaon sa kanilang pagreretiro.

Meron pang ibang pondo na sinasabing doon isinasawsaw din umano ng mga heneral ang kanilang mga daliri para lang magkasalapi.

May akusasyon pang ang ilang generals’ spouses ay nakikitikim din sa mga pondong militar at ipinan-shopping ng mga bahay sa ibang bansa.

Talaga namang uusok at liliyab ang mga hukuman na doon isasampa ang mga kaso. Uusok at liliyab din ang mga puwit ng generals and their spouses, maging ang puwit ng mga nag-aakusa sa kanila.

Kung sino ang mapatutunayang nagsasabi ng totoo na may mga patunay o ebidensiya, siya ang mananaig.

Yan ay kung hindi magloloko ang mga huwes, piskal, abogado at testigo.

O antayin na lang natin ang kalalabasan ng mga kasong yan na kasalukuyang niluluto ng DOj.

Pero hiling natin na buksan ng mga korte ang kanilang pintuan para sa media at taumbayan.

oOo

Naririto po naman ang ilang reaksyon ng ating mga mambabasa sa ilang usapin.

Picture sa diaryo

Nakakainis po ang mga picture ng mga pulis at sikyu sa diaryo.

Ningas kugon

Kung kailan sumabog saka lang naiisipan ng mga awtoridad na magrekisa  ng mga gamit ng mga pasahero. Ningas kugon lang! Too late.. Tsk tsk tsk!  Wag niyo pong ilabas ang  number ko.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph-Benny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply