Katotohanan, katarungan hindi makapag-aantay

UGALI natin ang mag-antay ng panahon ukol sa anomang bagay bago tayo kikilos.

Sa kaso lamang ni Heneral Angie Reyes na nagpatiwakal sa tila misteryosong dahilan, sinasabi ng ilang senador na mag-aantay sila ng araw na maganda bago nila muling buksan ang imbestigasyon sa korapsyon sa militar.

Yung iba naman, basta nailibing na ang isang patay, pupuwede nang bumalik sa kanilang normal na trabaho, gaya ng imbestigasyon.

Hindi na pupuwedeng antayin ang pasiyam o pa-40 dias at lalong hindi pupuwede ang babang-luksa.

Ang katwiran ng huli, interes ng taumbayan ang pinag-uusapan.

At ang interes na ito ay walang iba kundi ang katotohanan at katarungan.

Dapat malaman ang katotohanan kung mayroon ngang nandambong sa salaping bayan, sa salaping nakalaan para sa programang seguridad at kapayapaan.

At kung meron ngang nandambong, dapat lang na maparusahan ang mga ito at piliting isauli nila ang kanilang mga ninakaw at itinagong salaping bayan.

oOo

Heto pa ang dagdag na usapin.

Yung mga nagsasabing gustong mag-antay ng panahon ay kinakikitaan ng paglambot sa seryosong isyu ng nakawan sa pamahalaan.

Ang masaklap, ang tamang panahon nila kung minsan ay pagbaon sa limot sa isyu.

At ang akala nila ay para lamang sa paggawa nila ng batas ang buong usapin.

Sa kabilang banda, ang mga gustong bumalik sa trabaho o imbestigasyon ay malinaw sa kanila na bukod sa paggawa ng batas, tungkulin din nilang bantayan o i-tsek ang pinaggagamitan ng salaping bayan…kung nilulustay o ninanakaw ito.

Tanong: ano ba talaga ang dapat na gawin ng mga senador, ang mga nasa Kamara na rin, sa isyu ng korapsyon sa militar?-Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply