Katulong ipinaaresto ng among Intsik

INARESTO ang isang  31-anyos na katulong matapos ireklamo ng kanyang among Intsik Biyernes ng gabi, Pebrero 25, sa Binondo manila.

Kasalukuyan nang nakakulong ngayon sa detention cell ng Manila Police District-Theft and Robbery Section si Jennelyn Kiya dahil sa reklamo ng amo nitong si Kelly Chua,34, ng 439 City Plaza Bldg. Plaza del Carmen Binondo, Maynila.

Nabatid kay Chua na naiwang mag-isa sa bahay ang kanyang katulong noong Pebrero 23 at natuklasan ang pagkawala ng kaniyang pera at alahas makalipas lamang ang isang araw.

Tinatayang nagkakahalaga umano ang nawalang alahas ni Chua na P610,000 at P70,000 naman ang kabuuang nawalang pera na nakalagay umano sa drawer.

“Hindi naman niya sinimot lahat pero walang ibang tao sa bahay. Nandoon pa ‘yong gunting na ginamit niya para masungkit ang seradura ng drawer at mabuksan,” ayon kay Chua.

Si Kiya ay anim na buwan pa lamang umanong naninilbihan sa bahay ng amo bilang kasambahay at itinuturing na nilang hindi na iba sa kanila mula nang kunin nila ito sa agency.

Nakatakdang sampahan ng kasong theft sa Manila Prosecutors Office si iya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply