Kaunting kasaysayan ng kalbong kagubatan

ANG malakihan na legal logging na kumalbo sa ating mga kagubatan ay nagsimula sa pamamagitan ng mga logging trak o sikbaysiks, buldoser at barko.

Dito naman nagsimula ang sobrang kamalasan ngayon.

Madali na tayong bahain dahil wala na ang mga malalaking puno na humihigop sa mga tubig ulan at baha. Madali na rin tayong magibaan ng mga bundok dahil wala na ang mga puno na dikit-dikit at kawing-kawing ang mga ugat na pumipigil sa mga lanislayd.

Pero ang malakihang legal logging ay nagsimula talaga sa pagkakasilip ng mataas na opisyal ni Uncle Sam na nagsabing tayo ang panggagalingan ng 100 taong suplay nila ng kahoy makaraang ibenta ni Magellan kay Uncle Sam ang Pinas ng $20M!

oOo

Simula noon, sinakop na ang mga kagubatan ni Uncle Sam at isa sa pinakahuling legal logger ang kompanya niya sa isang bahagi ng Mindanao na sumakop ng nasa 100,000 ektarya.

Kasinglaki nito ang 100,000 ektarya na sakop naman ng Taggat Industries sa Luzon.

Makaraang masimulan ni Uncle Sam ang pagkalbo sa kagubatan, sumunod na ang mga senador, kongresman, gobernador at mayor sa pagkakaroon ng mga konsesyon at timber license agreement.

Natatandaan pa natin na ang pinakamaliit na puno na dapat nilang putulin ay may taba na 24 piye. Noong panahon ni Cory, ginawa na lang na 12 piye dahil ang logging areas ay ang dati nang inanihan ng troso.

Sa mga lugar naman na natatalo ang mga NPA na naglulungga sa mga virgin forest, mabilis na pumapasok ang mga legal logger na may guwardiyang mga sundalo para putulin ang mga higanteng kahoy at ilabas para mailako sa ibang bansa, kuwento ng mga taga-Sierra Madre at Marag Valley.

Paano ngayon pagbabayarin ang mga ito sa krimen nila sa kalikasan at kay Juan, huh?-Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply