Kelot durog sa forklift

DUROG ang katawan ng isang lalaki matapos magulungan ng forklift sa Navotas City, iniulat Linggo, Pebrero 6.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center (TMC) si Edgardo Aniceto, 45, ng 9th st., 7th Avenue, Caloocan City.

Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide ang suspek na si Gil Estanislao, 56, operator ng forklift, ng Calumpit, Bulacan.

Nabatid na 8:45 ng gabi nitong sabado nang maganap ang insidente sa loob ng compound ng Span Asia Carrier Corporation sa Honorio Lopez st., Brgy. NBBS, nasabing lungsod.

Naglalakad sa loob ng compound  ang biktima nang aksidenteng masagi ng forklift na minamaneho ng suspek.

Pagkabagsak ng biktima ay nagulungan pa siya ng naturang heavy equipment vehicle kaya nagkadurog-duro ang kanyang katawan.

Sa pahayag ng suspek, hindi niya umano namalayan ang naganap sa biktima. Merly Iral

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply