Kelot itinumba ng 2 armado

PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay naglalaro ng tong-its sa Brgy. Hulong Duhat, Malabon City, iniulat Miyerkules.

Ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon dahil sa dalawang tama ng bala ng baril sa dibdib  ay si Edgar Denuman, 43, ng Sulucan st., Hulong Duhat, nasabing lungsod.

Agad namang inatasan ni Sr. Supt. Cornelio Barrios, ang kanyang mga tauhan na arestuhin ang mga suspek matapos marekober ang baril  at get away motorcycle na ginamit ng nasabing salarin

Ayon sa imbestigasyon, 7:30 ng Martes ng gabi nang maganap ang pamamaril sa Sta Cruz, Hulong Duhat Malabon.

Sa salayasay ng saksing si Amelia Castillo, 43, cigarette vendor, naglalaro ng tong-its ang biktma nang lapitan ng dalawang lalaki at malapitang pinutukan.

Agad na tumakas ang mga suspek sakay ng Yamaha motorcycle (3426 TS).

Patuloy naman sa masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil sa insidente. Roger Panizal

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply