Kelot kulong sa sumpak

KULONG ang isang kelot matapos madaanan ng mga pulis na may dalang sumpak habang nakatambay Caloocan City, Huwebes ng hatinggabi.

Kinilala ang suspek na si Federico Bagat, 29, ng BMBA cmpd., 2nd Avenue, nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong 12 ng hatinggabi, nag-iikot ang mga pulis nang mapansin ang suspek habang nakatambay sa madilim na eskinita sa nasabing lugar.

Nang sitahin ay napansin ng mga pulis ang tubong hawak nito at nang tingnan ay nalaman na isa pala itong sumpak.

Dahil dito, agad dinala ang suspek sa presinto at inaalam na kung may criminal record si Bagat. Rene Manahan

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply