Kelot nagpatiwakal sa loob ng hotel

MISMONG Araw ng mga Puso isinagawa ng 37-anyos ang kanyang pagpapakamatay sa loob ng isang hotel sa Ermita, Manila, iniulat Martes, Pebrero 15.

Kinilala ang biktimang si Leonard Brandon Gaw, ng Ibayo Marilao, Bulacan, natagpuan sa loob ng Rm.  312, The Corporate Inn Hotel sa 1005 Ma. Orosa st., T.M. Kalaw, Ermita.

Ayon sa nakarating na ulat ky Sr. Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 3:20 ng hapon, nang madiskubre ang pagkamatay ng biktima, matapos malaman ng room boy na balak sanang maglinis sa loob ng silid.

Bumulaga ang nakabiting biktima gamit ang sinturon na isinabit sa “curtain rod” sa bathroom ng hotel.

Nakatakda na umanong mag-check-out sa hotel si Gaw, pero nagtaka ang desk officer bakit hindi pa lumalabas ng kanyang kuwarto ang biktima dahilan para puntahan niya ito.

Dito ay nakita niyang nakabitin na sa kisame si Gaw.

Hinala ng pulisya na problema sa pamilya ang sanhi ng pagpapakamatay ng biktima. Rene Crisostomo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply