Kelot nakatambay sa mall dalawang beses binaril

NAMATAY ang isang 21-anyos na binata nang barilin ito ng dalawang beses habang ito ay nakatayo malapit sa Meisic Mall sa Binondo, Maynila, Martes ng madaling-araw.

Kinilala ni Manila Police District (MPD) director Chief Insp. Armand Macaraeg ang biktima na si Raymart Mabulac, 21, tubong Catbalogan, Samar at residente ng Gate 19, Area 11, Parola Compound, Tondo, Maynila.

Inilarawan naman ang hindi nakilalang salarin na nakasuot ng baseball cap, berdeng jacket at asul na maong pants, may taas na 5’8-5’9, tinatayang nasa edad 35-45 anyos.

Sa report ni PO1 James Lagasca, dakong 4:30 ng madaling-araw nang maganap ang pamamaril sa CM Recto ave.
Sa pagsisiyasat ni Lagasca, nasaksihan umano ni Jaypee Mirabueno, cellular phone technician, kung paano binaril ng salarin ang biktima sa ulo at isa pa sa dibdib.

Matapos ang pamamaril sa biktima ay agad tumakas ang suspek habang inireport naman ni Mirabueno ang insidente sa pulisya.

Iniimbestigahan na kung ano ang motibo sa krimen.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply