Kelot tinodas ng kainuman

NAKATAKAS sa pamamagitan ng paglangoy patawid ng ilog ang lalaking sumaksak at nakapatay sa kanyang kainuman matapos ang mainitang pagtatalo sa Tondo, Manila, Linggo, Pebrero 20.

Kinilala ang biktima na si Romeo Magtangob Aban, 39, laborer ng Blk. 16 lot 9 Manila North Harbor Center, Vitas Tondo.

Samantala, patuloy naman ang pagtugis sa suspek na si Almar Norcio Magallenes, ng Building 24 Unit 36, Road 10, Temporary Housing sa Tondo.

Batay sa ulat ni Det. Efren Flores, kay Sr., Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, 6:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng Easted Fast Trucking Compound sa North Harbor sa Tondo.

Nabatid sa record ng pulisya na nag-inuaman ang magkakasama sa trabaho na si Magtangob, ang suspek at ang dalawa pa nitong kasamahan sa nasabing lugar nang magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Nang magkapikunan ay nagtungo sa isang dampa ang suspek  saka kumuha ng patalim at walang sabi sabing tinarakan ang biktima.

Matapos ang pananaksak ay tumalon sa ilog ang suspek saka tumakas. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply