Kelot todas sa loob ng motel

PATAY ang 23-anyos na lalaki matapos mabaril ng isang pulis Maynila makaraang tumanggi ang una na sumuko sa isinagawang follow up operation ng awtoridad hinggil sa kinasasangkutan nitong kaso, Miyerkules ng madaling-araw, Pebrero 16 sa loob ng isang motel sa Sta. Cruz, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Joncel Aburido, tubong Cebu, walang permanenteng tirahan at huling nakitang nanunuluyan sa room 208 Andalucia Inn, sa 1357 A. Mendoza st., Sta. Cruz, Manila.

Isinailalim naman sa imbestigasyon ang sangkot na pulis na si PO2 Angelo Loresto Buzon, 35, ng 171 Laverzares st., Binondo, Manila at nakatalaga sa MPD-District Headquarters Support Unit.

Agad namang isinuko ni PO2 Loresto ang sarili kasabay ng pagsurender sa kanyang service firearm .9mm Pietro beretta na may serial number na M14006Z.

Sa report ni PO1 James Lagasca, 2 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob mismo ng kuwarto ng ikalawang palapag ng nasabing motel.

Nagsagawa ng follow up operation si PO2 Buzon  sa lugar hinggil sa kinasasangkutang kaso ng biktima na paglabag sa Republic Act 9208 na inireklamo ng isang Ronalyn Buzon nang tumangging sumuko si Aburido.

Tinangka pang saktan ng biktima ang pulis dahilan kaya pinaputukan siya ni Buzon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply