Killer ng BIR official arestado na

RIZAL— Arestado na ang isa sa suspek sa pananambang at pagpatay sa District Revenue Officer ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Marikina City, iniulat ng pulisya.

Ayon kay Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto, hawak na nila ang may-ari ng motorsiklo na ginamit ng suspek sa kanyang pagtakas matapos pagbabarilin si Marcelino Yap, 46, sa tapat ng L and M Grill sa Marcos Highway, Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Ayon kay Prieto, bagama’t hindi pa nila nahuhuli ang “prime suspect” na si Armando Carino, alyas “Manding”  at isang alyas “Litom”, hawak naman nila ang may-ari ng motorsiklo na si Andy Carino.

Si Manding ay mayroong kinakaharap na kasong illegal possession of firearms sa Antipolo City RTC noon pang 2008.

Matatandaan na pinagbabaril si Yap, pinsan ni dating DENR secretary at ngayon ay congressman Arthur Yap habang naglalakad patungo sa kanyang  tanggapan sa S and C Bldg. Marcos Highway, Brgy. Mayamot, nasabing lungsod.

Tumakas ang salarin patungo sa Masinag area kung saan iniwan ang  get away vehicle na Honda Bajaj, pag-aari ni Andy. Jhie Convocar

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply