Killer sumuko nang ‘minulto’ ng pinatay

SUMUKO nitong Huwebes ng madaling-araw, Pebrero 17, sa awtoridad ang pumatay sa 74-anyos na lola matapos umano siyang multuhin ng huli.

Nabatid  kay Jonjon Bituin, 32, ng Matang Tubig, Tondo, Maynila, na sumuko siya sa pulisya at inamin ang  pagpaslang kay Bella Amurao ng Santos Teodoro st., Matang Tubig, Tondo, Maynila dahil sa hindi siya pinatatahimik ng kanyang konsensya.

Ayon kay Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, sumuko kay PO2 Ronnie delos Reyes, nakatalaga sa Camp Crame, ang suspek at dinala sa kanyang tanggapan dakong ika-4 ng umaga.

Sa pahayag ng suspek, pinasok niya ang bahay ng matanda nitong Linggo, alas-onse ng gabi at kinuha ang P50,000 at alahas ng biktima bago ito pinatay.

Matatandaang natagpuang patay ang matanda nang maglabasan ang mga malalaking bangaw mula sa kanyang kuwarto.

Nabatid na namamaga na ang katawan ng biktima nang madiskubre.  Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply