Kilos protesta vs RP Bill ikakasa

MAGLULUNSAD ng kilos-protesta ang iba’t ibang pro-life groups sa Pebrero 12, upang ipakita ang kanilang pagtutol laban sa pinag-isang Reproductive Health bill o Responsible Parenthood bill.

Kabilang sa mga grupong lalahok sa naturang rally ang Filipino Interfaith group na binubuo ng Pro-Life Philippines, Sangguniang Laiko ng Pilipinas, Human Life International, Couple’s For Christs, El Shaddai, Buhay Partylist, A-L-F-I, MUSLIMS for Life, Quiapo and Baseco groups, Evangelicals for Life, Lighthouse-Metro Bible Baptist Church, World Youth Alliance, Kababaihan ng Maynila, Ang Kapatiran Party at Philippine Solidarity Foundation.

Nabatid na ang rally, na tinawag na “march for life,” ay isasagawa sa People Power Monument-Freedom Park sa kahabaan ng EDSA, Quezon City.

Layunin ng pagkilos na magkaisa ang lahat ng mga Pilipino laban sa RH bill, na umano’y banta sa buhay at pamilya at mayroon ding masamang epekto sa kaisipan ng mga kabataan. Kyle Gatus

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply