Kim Chiu dapat matauhan sa pagiging isnabera

ALAM kaya ng katotong Ador Saluta na hindi  pinapalaki ng mga usisero ang isyung nang-snub si Kim Chiu. Totoo yun at dapat lang na pukawin ang atensyon ni Kim Chiu dahil may attitude naman talaga siyang ganyan.

Pero good for Kim na nag-sorry siya kung meron mang nagtatampo sa kanyang pang-i- snub.

Actually, ang  dapat lang naman matutunan ni Kim diyan ay i-improve niya ang PR niya dahil ’yun ang madalas naming naririnig na  reklamo sa kanya.

Sabi nga ni Mommy Girlie na inisnab ang kanyang kolehiyalang anak at balikbayan na bisita. “Suplada talaga. Imposible na di marinig yun. Nagbibisaya pa  sila. Sa Selendra, shopping mall yun.Naglalakad siya kasama ang alalay. Yung katulong ko nga ang nakapansin sa kanya. Pero hayaan mo na.”

At least, natauhan si Kim sa pagiging isnabera niya.

Sey mo Adoracion?

CHARICE, IPINAGTANGGOL NG DIREKTOR

Tonight, Sunday, 8:30 p.m. ang TV special ni Charice Pempengco sa   GMA-7 titled “Charice: Home for Valentine’s.” Si Direk Louie Ignacio ang director nito.

Never naman daw niyang na-experience na isnabera at mapagmalaki si Charice gaya ng mga napapabalita sa kanya sa nakaraang concert niya courtesy ng Aficionado.

“Ang sarap niya katrabaho. Naging fan niya ako.

“’Yung mga naririnig ko sa kanya, parang nu’ng magkatrabaho kami ay baligtad.Parang hindi naman.Sobrang napaka-ordinaryong girl ni Charice nu’ng mag-tape kami. Tapos bigla ka na lang mapatutunganga pag nag-perform na siya,”kuwento ni Direk Louie.

Hindi siya naging primadonna, pa-importante?

“Wala..walang primadonna effect. Hindi ko nakikita sa kanya yung mga nirereklamo sa kanya. Natural  lang na magkaroon ng bodyguards kasi international star naman siya, di ba? Siyempre, kailangang protektahan ‘yan dahil artista naman siya, di ba?Magaling na singer yan.”

Nakita rin ni Direk Louie na accomodating si Charice sa mga taong nanood ng kanyang tv special sa GMA 7.

“Ay naku, mga fans,  mga audience during the show sa Studio 7, dami nga nagpa-picture sa kanya.Lumalabas siya talaga kasama ‘yung aso niya. Nag-rehearse siya. Sumusunod siya. Hindi mo siya makitaan na ayaw ko ito, gusto ko ito. Wala siyang attitude na ganun. Kung ano ang gusto ng director, sinusunod niya.

“So far nakita ko na sobrang masaya siya sa tv special na ito.Tapos umiyak pa nga siya dun  sa isang  number. Masaya siya dahil first major concert niya ito sa GMA,” sey pa ni Direk Louie.

Ilan sa mga guests ni Charice ay sina Ogie Alcasid, Michael V,Rachelle Ann Go. Tapos tatakbo raw ito ng 2 hours Valentine’s special.

“Happy ako dahil first time naming magkasama ni Charice sa isang major show with Homer Flores as musical director,” aniya pa.

Excited din si  Direk Louie dahil siya ang nagdirek ng MTV ni Piolo Pascual para sa bagong album nito.’You Were There’ ang title ng song na kung hindi kami nagkakamali kasama si Kelly Misa ng Star Magic.

Bakit hindi si KC Concepcion ang ni-request ni direk na ipartner kay Papa P? “Dapat nga siya pero mukhang hindi puwede. Hindi yata available,” tugon ni direk kung saan ay nag-shoot sila nu’ng Saturday.

“Kahit sino naman basta gusto ni Piolo na ka-partner , walang problema. Dapat this time choice ni Piolo  dahil very intimate yung music video. Dapat may rapport sila.

Ang dating director ng SOP  ay mapapanood ang  gawa niyang MTV sa ASAP dahil dun ilo-launch.

“Ang taray at ang ganda! Mataray ang concept niya. ‘Yung mga visuals, gagamitin ‘yung mga paintings ko na magma-mark sa mga tattoo ni Piolo, Ayaw ko muna i-reveal ‘yung concept .Dapat mapanood nila” saad pa ni Direk Louie.

Magkakilala ba sila ni Piolo kaya nagawan niya ngayon ng MTV? Kapuso director kasi  siya samantalang kilalang kapamilya  ang guwapong actor.

“Nagkakilala kami ni Piolo dun sa movie nila ni Regine (Velasquez). Tapos ipinakilala ni Songbird sa akin. Tapos pag nagkikita,nagkakabatian kami. Tapos sabi ko sa kanya nu’ng magkita kami sa Star Awards for Music, sa next video ko gawan kita. E, tinotoo naman niya. Tumawag siya sa Star Records tapos ni-request daw niya ako

Mahal ang tf ba ni direk dito?

“Mahal  na mahal ko si Piolo.Hindi… love ko si Piolo talaga,” deklara pa ni Direk Louie.

Tinanong din namin ‘yung isyung aalis na siya sa GMA 7 at mago-ober da bakod na ..

“Ay hindi ko po alam.Hayaan na natin,” bitin niyang sagot na tumatawa.

By the way, inaanyayahan ni Direk Louie ang kanyang mga friends na suportahan siya sa opening ng ” INNER SANCTUM ” one man water color exhibition niya sa Gallery Anna 4th level Megamall bldg A sa February 19.

‘Yun na!

-0o0-

Mahigit isang milyong online users na ang nag-like at sumusubaybay sa updates sa Facebook page ng ABS-CBN, ang nag-iisang Philippine multimedia company sa listahan ng top 25 most liked media companies sa sikat na social networking site.

Ayon sa Facebook statistics portal na www.socialbakers.com, ang ABS-CBN, na siyang pinakamalaking multimedia conglomerate sa bansa, ang ika-25 sa media companies sa buong mundo na may pinakamaraming likes sa Facebook, kasunod lamang ng New York Times na nasa ika-24 na puwesto.

Nangangahulugan itong mahigit isang milyong Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo nakakatanggap ng pinakasariwang mga balita tungkol sa bigating Kapamilya stars, dekalibre at top-rating programs nito, at services. Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply