Kim Chiu nang-isnab sa Serendra

KNOWS kaya ni Kim Chiu na  may naiimbudo sa kanya dahil sa pang-i-snub niya nang makita siya sa Serendra nu’ng Sunday?

Isang kolehiyala at mga balikbayan ang nag-hi kay Kim Chiu pero parang wala raw nakita si Kim.

“Akala mo naman kung sino siya. Ano ba naman yung kumaway  siya o mag-hello lang? Kaka-turn-off siya. Assumptionista naman yung anak ko at mga balikbayan ‘yung kasama niya, hindi man lang siya namansin. May kaya pa naman ang mga bisita namin. Nadismaya tuloy sa kanya.

“Hay naku, tingin ko sa kanya ngayon, mukha siyang daing. Hindi ko na siya gusto. Hindi ko na bibilhin ang mga ini-endorse niya dahil isnabera siya,” himutok ng kaibigan naming  si Mom Girlie na galit na galit sa pang-i-snub sa kanyang anak.

“Naiinis lang ako kung bakit ganoon siya kasuplada. Hindi naman siya anak mayaman. Anak nga ni Sharon Cuneta, nagha-hi pag binabati,” dagdag pa niya.

Pagod ba si Kim nu’ng makita siya sa Serendra kaya hindi  siya namansin ng mga tao? May problema kaya siya? O nasanay na lang siya talaga na mandeadma?

Kung sabagay, tandang-tanda rin namin nu’ng mag-coverage kami ng “ASAP” sa Baguio. Sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Gerald Anderson ay lumapit sa press at nambati habang kasabay siya pero si Kim dire-diretso at hindi bumati.

Kulang talaga sa PR si Kim Chiu! ’Yan siguro ang dapat niyang matutunan.

Sister ni Anne Curtis nakikipaghalikan kay Luis Manzano?

NAG-REACT si Anne Curtis sa kumalat na tsismis na naghahalikan daw ang younger sister niyang si Jasmine at si Luis Manzano.

“Disgusting and revolting.  Sabi ko, napaka-malicious-minded naman nun,” medyo naiinis niyang komento sa isang interview.

“Sabi ko kay Jasmine, ‘Welcome to showbiz, my darling. That’s only the beginning.’ Nakita niyo naman bagets pa siya… 16 years old lang at mag-26 na ako di ba?

“Sabi niya ‘Ate, bakit ganon? Kuya ko yan, e!’  Sabi ko, ‘I know, darling.  Ganyan talaga. Welcome to show business!'”  sambit pa ni Anne.

“Shocked siya… But I have so much fate in her.  Sa akin kasi, in my mind, when you’re that innocent, wala talagang makukuhang bad sa iyo. So I don’t have any worries about her.

“Nakakainis lang. Parang mas maiintindihan ko pa kung kami ang ma-tsismis kami ni Luis. Pero sa bagets! Sixteen lang yun!” aniya.

Pre-Valentine concert ni Gerald Santos dinumog

PUNONG-PUNO ang Pre-Valentine concert ni Gerald Santos  sa Zirkoh, Tomas Morato  na kung saan ay beneficiary ang ‘Child Haus’. Sa walong kanta ni Gerald marami ang nagalingan sa kanya lalo na sa Barry Manilow medley niya at sa OPM hits na kung saan ay ginagaya niya ang boses ng mga idolo niyang singer.

Ikunumpara pa nga ang version niya sa pagkakanta niya ng “Hanggang” sa isang male singer na kumanta sa party ng isang sikat na tv host. Mas maganda ang version ni Gerald at mararamdaman mo nang awitin niya ito sa kanyang concert.

Swak ang pagtatagpo nila ni Angelica Panganiban  sa entablado na kung saan ay ginagaya ni Angel si Kris Aquino. Nagkaroon sila ng game  na hinulaan ni Angel kung sino ang mga singer  na ginagaya niya.

May comment ang taklesang Crissy kay Janno Gibbs. Naku lagot ka kay Janno, sabi ni Gerald. “Okey lang, hindi naman kami close. Hahahaha,” pabiro namang sabi ni Angelica. Tawanan ang mga tao.

Kahit si Angelica ay nagalingan kay Gerald  at buong ningning niyang sinabi yun sa stage.  Anyway, sa mga nabitin kay Gerald, may solo concert siya sa February 14 sa Technowave Bar, Il Terrazo, Tomas Morato  sa Feb. 14 entitled “ On the Wings of Love”. Mga fans muna  raw ang ka-date niya sa Valentine’s Day.

Samantala, hanggang February 20 na lang ang musical-variety show ng TV5 na “PO5” (Party On  5) pero  kasali pa rin siya sa nilulutong bagong youth oriented show na ipapalit dito tuwing Sunday.

Isa siya sa magiging regular host/performer pero hindi pa puwedeng banggitin ang titulo ng show.

“Malungkot po ako  na mawawala na ang PO5 dahil  masarap po ang bonding namin dun. Masaya kasi ang samahan dun. Mababait ang mga artista ng Singko,” deklara niya. ‘Yun na!

Marian, Dingodong hindi magkakasama sa Valentine’s Day

MAY bulung-bulungan na  magpapakasal sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa 2012.

Naging inspirasyon daw ng dalawa ang wedding nina Regine Velasquez at Ogie Alcasid kamakailan. Gusto rin daw ng dalawa na maging solemn at strictly for family and friends lang ang okasyon.

“Hindi ko naman masisi dahil partner ko just got married. At yun ang nagiging usap-usapan naman,” aniya pa.

Hindi na raw matutuloy ang plano niya na mag-celebrate sila ni Marian  sa  Baguio ng Valentine’s Day

May taping daw siya ng Monday, February 14.

“Hopefully, may magawa kami sa weekend.  Kasi 12-13, Saturday and Sunday, baka puwede kaming…,” bitin niyang sagot. ‘Yun na! Roldan Castro



loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply