Kinarnap na taxi na-recover sa Pasay

MAKALIPAS ang tatlong araw na paghahanap sa kinarnap na sasakyan, na-recover na ng tauhan ng Pasay City Anti-Carnapping unit, Biyernes ng umaga, Pebrero 11 ang taxi na inagaw sa isang taxi driver nitong nakaraang Feruary 8, sa Pasay City.

Nabatid na naispatan nina SPO1 Faustino Erlano, SPO4 Abelardo Desalisa at P03 Recto Abobo ang puting taxi Vios (UVD 351) na inabandona sa Zamora st., nasabing lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Erlano, ang taxi ay inagaw ng dalawang armadong lalaki nitong nakaraang Pebrero 8, 4:00 ng umga sa Park Avenue, Pasay City.

Ayon sa driver na si Hipolito Gonzales, 56, ng 141 Sarahville, Sta. Lucia, Quezon City na naisakay niya ang mga suspek sa Airport Road, Parañaque City at nagpahatid sa Park Avenue.

Nang makarating sa naturang lugar, tinutukan siya ng baril ng mga suspek, at binababa ng sasakyan bago pinaharururot ang kanyang taxi patungong EDSA.

Malaki ang hinala ng awtoridad na ginamit ng mga suspek ang sasakyan sa iligal na operasyon at iniwanan ang sasakyang matapos ang ginawang krimen. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply