Kinukunsinti rin daw ng POC head PSC ‘bingi’ sa anomalya sa PASA

NANANATILI umanong bingi ang Philippine Sports Commission (PSC) sa mga nagaganap na anomalya sa Philippine Amateur Sports Association (PASA).

Ayon sa mga sources, may kaugnayan umano ito sa anomalya sa pondo na hindi maipaliwanag ni PASA chief Mark Joseph.

Natuklasan na nakakuha noon ang nasabing organisasyon ng P29 million bilang financial assistance mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) subalit hanggang ngayon ay hindi malaman kung saan ito napunta.

Binigyang diin ng mga sources na ang pondong iyon ay noong taong 2008 pa napunta sa PASA para sa training at allowances ng Filipino-American swimmers.

Naniniwala ang mga impormante ng Remate Sports na hindi naubos ang nasabing pondo sa pagsasanay ng mga atleta sa ibang bansa.

Maging si Joseph umano ay walang ibinibigay na report sa Philippine Olympic Committee (POC) at PSC ukol sa kalagayan ng naturang pondo ng mga atleta.

“Para sa mga international competitions ang nasabing pera kasama na ang 2008 Beijing Olympics pero hindi malaman kung naubos ito o hindi,” pahayag ng source. “Di mo malaman kung walang pakialam o talagang may kinalaman din si POC head Jose Cojuangco sa anomalyang ito.”

Ayon sa source, kung wala umanong alam si Cojuangco sa anomalya ay dapat matagal na itong pumalag at dapat sinibak na si Joseph sa tungkulin.

“Nakakaduda na parang ipinagtatanggol pa niya ang tao (Joseph) kasi kadikit niya ito, sana ilabas niya ang totoo,” wika ng source.

“Di dapat pagtakpan ng isang lider ang kanyang tiwaling tauhan, para lumabas ang totoo…dapat bigyang daan ang isang independent na imbestigasyon dito.” Gilbert Perdez

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply