Korapsiyon, sanhi ng pagkalas ni Albania, PHL boxing team mangungulelat!

KORAPSIYON ang itinuturong tunay na dahilan kung kaya’t bumitiw sa Philippine boxing team ang magaling na manlalalarong si Annie Albania.

Ayon sa isang source, maging ang Philippine Sports Commission (PSC) ay nahihirapan din umano sa imbestigasyon nito lalo na sa korapsiyon.

“Sa dami kasi ng mga tiwali ay mahirap silang hulihin. Kung aalisin daw kasi sila, baka maubos ang mga opisyal. Wala daw magma-manage sa sports body kaya dedma na  lang si PSC chairman Richie Garcia,” wika ng isang source.

Hindi na rin umano interesado ang Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) na habulin pa si Albania kaya naghanap na lang sila ng kwalipikadong papalit kay Albania para sa London Olympics.

Una nang nilaglag si flyweight ace Albania sa listahan ng Phl team roster dahil sa hindi pagpunta sa training matapos ang holiday break.

Naniniwala naman ang mga kritiko na hindi naging patas si ABAP president Ricky Vargas sa pagsibak kay Albania mula sa national team.

Nabatid na ang women’s boxing ay kasama na sa Olympics sa London sa susunod na taon ngunit ang weight class ay limitado sa 51 kgs, 60 kgs at 75 kgs.

Mangangamote sa ganitong timbang ang Pinay pugs dahil magagaang lamang sila kaya dapat na sa mas magaan silang dibisyon isasalang. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply