Korapsyon sa AFP 101

NANGANGANAK ang diksyunaryo ng korapsyon at humahaba ang tala-salitaan ng katawagan sa pangungurakot.  Ang sumusunod ay ilan sa mga katawagan at diumano’y iba’t-ibang paraan kung paano mangurakot sa AFP na nilantad ni whitle-blower Rabusa sa senado at kamara:

1.    Pasalubong – perang binibigay sa bagong upong Chief of Staff; nagkakahalaga ng P10 milyon

2.    Pabaon – perang binibigay sa magreretirong Chief of Staff; nagkakahalaga ng mula P50 milyon hanggang P164 milyon; posible  ring kumukuha ng cut ang nag-aabot ng pera sa Chief of Staff (halimbawa, si General Garica ay posibleng di binibigay ng buo ang pabaon)

3.    Pakimkim – perang binibigay sa Chief of Staff kada buwan; nagkakahalaga ng P10 milyon kung saan P5 milyon ay para sa personal na gamit ng Chief of Staff at ang P5 milyon ay para sa kanyang opisina

4.    Ghost delivery –  binabayarang supply ng militar pero walang aktwal na delivery; 15% ng halaga ng supply ay binibigay sa supplier at 85% ay napupunta sa military general headquarters

5.    Diversion – pondong nililipat sa ibang gastusin o budget item sa halip na ilaan sa dapat pagkagastusan; halimbawa, pondo para sa UN peace-keeping force sa East Timor na nilipat sa command-directed activities

6.    Conversion aka Return to Sender aka James Bond – sistema para makakuha ng pondo  para sa Provision for Command Directed Activities (PCDA); karaniwang ginagawa sa mga military unit ng J7 (Civilian Military Operation), J2 (Intelligence) at ISAFP; halimbawa, magli-liquidate ng gastos sa isang intelligence project na walang realidad pero madaling palusutin dahil sekreto at pwedeng di na i-audit.

7.    Provision for Command Directed Activities (PCDA) aka slush fund – karaniwang pinagkukunan ng mga pabaon, pasalubong at pakimkim; may badyet na P40 milyon kada buwan o P480 milyon sa isang taon

8.    Iligal na Kontrata – mga kontrata ng AFP na di dumadaan sa bidding

9.    Tinatamasa ng mga Opisyal ng Militar, Kanilang Asawa at Pamilya –  mga ari-ariang lupa, mansyon sa loob at labas ng bansa, magagarang sasakyan at alahas, mahigit 40 beses na biyahe ng Misis sa labas ng bansa, pag-aaral sa abroad ng mga anak, milyun-milyung pera sa retirement

10.    Dinaranas na Hirap ng Ordinaryong Sundalo – butas na boots, kakapusan sa gamit, nakatira sa maliit na bahay o squatters area, halos di mapag-aral sa kolehiyo ang anak; isang kahig-isang tuka, pahirapan sa pagpila para makuha ang retirement pay kung meron-Liza Maza

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply