Koreano tinodas, ibinalandra sa kalsada

CAVITE-Tadtad ng bala sa katawan ang bangkay ng isang Korean national na natagpuang nakahandusay sa gilid ng kalsada sa Barangay Ligas 3, Molino Boulevard, bayan ng Bacoor, Cavite.

Inilarawan ni PSupt. Edgardo Roquero, hepe ng pulisya, ang biktima na tinatayang 60-anyos ay nakasuot ng light purple long sleeved barong, itim na slacks, blue boxer short, itim na medyas at leather na sapatos.

Sa imbestigasyon ni PO2 Victor Wecweken, dakong alas-8:00 ng umaga nang matagpuan ang nakahandusay na biktima.

Hinihinala namang itinapon lamang doon ang biktima upang iligaw ang imbestigasyon ng mga awtoridad. Rubie Garcia

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply