Korona idedepensa ni Petalcorin

IDEDEPENSA ni promising boxer Randy Petalcorin ang kanyang Philippine light flyweight title kay Arnel Tadena ng Bohol sa February 26 sa Lagao Gym sa General Santos City.

Ito ang unang pagkakataong ipagtatanggol ni Petalcorin ang kanyang PBF crown mula nang maagaw ito kay Allan Doronilla via TKO noong Disyembre ng nakaraang taon.

Si Petalcorin ay may kartadang 10 wins at 1 loss at ang unang nakatalo sa kanya ay si Marlon Tapales.

Sa undercard, tampok si Fernando Lumacad na babangon laban kay Ricky Sabia.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply