Kotse, mansyon ng Ampatuans sinilaban

MATAPOS sabuyan ng gasolina ay sinilaban ang Nissan Terrano ng pamilyang Ampatuan, samantalang partially damage naman ang kanilang mansyon sa Marfori Subdivision sa Marfori Heights, Davao City iniulat Huwebes, Pebero 24.

Napag-alaman sa Senior Fire Officer 2 Fredie Pasaquian, ng Banggoy Fire Station na bigla na lamang nagliyab compound ng mansion ng mga Ampatuan dakong 2:45 kaninang madaling-araw.

Mula sa lugar ay naka-recover ng basyo ng softdrink na nangangamoy gasolina ang awtoridad na posibleng ginamit ng mga suspek sa pagsunog sa isa sa mga sasakyan at bahagi ng mansion ng mga Ampatuan.

Wala pang maiturong suspek ang Davao City Police Office, ngunit hinihinala na ang pangyayari ay may kaugnayan sa pagwawala ng ilang pamilya Ampatuan sa isa sa mga bahay aliwan sa lungsod dakong ala una ng madaling araw.

Kung maaalala, sina dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan, Sr., dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan, dating Mayor Andal Ampatuan Jr. at iba pa ang pangunahing itinuturong mastermind sa Maguindanao massacre. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply