Kotse sa Taguig tinangay

HINIHINALANG tinangay ng mga carnappers ang isang sasakyan sa isang compound sa Taguig City, madaling-araw, Pebrero 18.

Ayon sa panayam ng dzMM sa may-ari ng compound na si Glenn Franco, malaki ang posibilidad na kinarnap ang Montero NID 687 na may kulay blue, 2009 model na pag-aari ng isa niyang tenant sa pagitan ng 2:00-3:00am sa mismong garahe sa P. Burgos Sta. Ana Taguig.

Nakita ni Glenn na bukas ang gate kung kaya inusisa nito kung may nawawala sa loob ng kanyang compound.

Ayon sa may-ari ng kotse, sinusubukan nilang kontakin ang pulisya, ngunit walang sumasagot sa telepono. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply