Kris Aquino aminadong matanda na siya para kay Diether Ocampo

“WALA pa, hinihintay pa but coming very soon,” ito ang eksaktong pahayag ni Kris Aquino sa tanong kung may ‘freedom’ na ba siyang magmahal.  Dagdag pa, lahat ng financial matters na dapat pag-usapan nila ni James Yap ay naayos na nila kaya konting paghihintay at makakamit na nito ang ‘freedom.’

Nang itanong sa kanya si Mayor Junjun Binay, nasabi nitong mag-best friend lang sila nito kaya lang, bigla nitong binawi dahil baka balikan siya at tanungin kung kelan ba sila naging mag-best friend.

Nag-react agad siya na isa ang Makati Mayor sa umaaligid sa kanya, “Walang umaaligid sa akin,” matipid nitong sagot. Kaya lang medyo natagalan siya nang kinumusta sa kanya si Ted Failon, “Ah, alam mo mahirap sagutin ‘yung kay Ted kasi ang sinasabi ko sa kanya, dapat ano kami, John Lloyd-Bea.  Working tandem, kasi magsu-shoot na kami ng pilot ng talk show namin, second week of March for preview ng management.  Tapos, linggo-linggo na kami magkakasama.”

On Diether Ocampo, “Wala.  He’s really my ano, my best friend din.”  Bigla siyang napahiyaw dahil posibleng isiping ang dami niyang best friends. “Hindi, kasi si Diet talaga … alam mo kasi, siya ‘yung tao na ‘pag wala kang makasama, tawagan mo lang nandoon.”

Kung may pag-asa ba silang maging mag-syota, “Hindi.  Si Diet kasi, ang gusto niya ‘yung super bata.  Ayyy, sinabi talaga, gusto niya super bata.  So, Obviously, ayaw niya ng ka-age niya. Okey na kaming ganito.”

Nilinaw nito ang mga nali-link sa kanya ngayon ay talagang mga kaibigan lang nito.  “Kung mayroon naman talagang dadating, sasabihin ko naman.  Hayaan mo naman yung iba, kawawa sila.”

Tungkol na naman sa kasong isinampa nila ni James sa isa’t isa ay magkakaroon pa sila ng mga hearing na darating at hopefully ayon sa kanya, matatapos na ang lahat sa kalagitnaan ng taong ito at nabanggit nitong di tatagal ng tatlo o apat na buwan.

Sa ngayon, ayaw muna nitong magsalita tungkol sa kaso.  Aniya, “Eh, kasi bawal pag-uusapan yung nilalalman ng case kasi may gag order.  Pero we are at liberty to say na nagkaroon lang kami ng malinaw at maayos na settlement.

“Kasi bago ka pa humantong doon sa trial hinihingi na ng judge na lahat ng properties ninyo mahati na at amicably as possible. Eh, wala namang naging problema na.”

On James naman, magkaibigan na sila ngayon at katunayan, handa na silang mag-double date sa isa’t isa.  “Sabi ko, ikaw mayroon ka nang ka-date, ako wala pa.”

On Dingdong Dantes, mayroon silang gagawin na pelikula pero dapat matapos muna nito ang isang movie sa Star Cinema base sa naging usapan.  Dagdag pa, kung matagal pa ito mangyayari ay naisip nitong baka silang dalawa ng mag-produce ng kanilang pelikula.

Nabanggit ni Kris noon as one of the producer of Dalaw na hinding-hindi na siya mag-produce ng pelikula dahil magastos at masyadong nakakapagod pero may bagong kaganapan ngayon, puwede na uli siyang magpo-produce dahil may mga taong gagastos ng kanilang pelikula.

Speaking of freedom, naganap ang nasabing panayam sa Bench launching ng ‘Freedom’ sa Trinoma at natanong EDSA ng araw na ‘yon kaya pagkatapos ng launching ay agad silang pumunta ni Dingdong sa EDSA celebration.

Natupad ang birthday wish ni Kris noong Febreuary 14 at ito ang ‘freedom’ o kalayaan sa lahat ng bagay.  Perfect match sila as a host sa nasabing launch ng cologne na ang scent ay mula pa sa Grasse, France.  Mayroon itong apat na amoy tulad ng Cypre Fruity Oriental, Floral Fruity Woody, Wood Aromatic Ambery at Aromatic Oriental Woody. Alex Datu

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply