Kris Bernal, Aljur Abrenica balik-tambalan na?

PINABUBULAANAN ng kampo ng GMA-7, na hindi pa raw mawawala sa ere ang teleseryeng “Machete” na pinagbibidahan ni Aljur Abrenica. Nangangako pa kasi sila ng mga kaabang-abang na pagbabago na idadagdag nila sa nasabing serye.  Ang isa sa magandang balita ay muli na ngang makakapareha ng guwapong actor ang dati niyang ka-loveteam na si Kris Bernal, samantalang nariyan na sina Ryza Cenon at Bela Padilla.

Kaya lang, kung sakali’t ipapasok na nga ang karakter ni Kris, ay huwag na lang sanang magpaasa pa sa mga manonood, na kunyari’y sweet sina Aljur at Kris sa totoong buhay, na para bang nagliligawan sila at puwedeng magkatuluyan.  Ginawa na nila iyon dati, at hindi naman nauwi sa relasyon ang closeness ng magka-loveteam, dahil si Rich Asuncion naman talaga ang babaing mas malapit sa puso ng guwapong actor, ‘di ba?

Maganda ang kuwento ng Machete, dahil parehong naging matagumpay ang mga pagbibida noon nina Cesar Montano at Gardo Versoza.  Ang dapat lang tutukan d’yan ay ang acting ni Aljur.  Hanggang ngayon kasi ay kaguwapuhan at kagandahan lang ng katawan ang maipagmamalaki niya.  Pero bakit ang pag-arte niya ay madalas pa ring sumasablay?  Sayang, para pa namang magkapatid ang mukha nina Aljur at Piolo Pascual.  Pero sa lalim ng pag-arte ay malayo ang agwat nilang dalawa.  Napakabagal ni Aljur matutong umarte ng kapani-paniwalang acting.

*****

Lovi Poe nakatanggap na ng mana sa kay FPJ

KAHANGA-HANGA lagi ang pagiging matahimik ni Lovi Poe sa maraming isyu sa kanyang buhay na hindi na niya kailangang ipag-ingay.  Katulad na lamang ng magandang balita na mula pala sa mga naiwan ng yumao niyang daddy na si Fernando Poe, Jr. ay nabigyan na diumano ang young actress ng karampatang halaga na parte ng kanyang mana, at iyon daw ay ipinagkaloob na ni Miss Susan Roces, ang legal wife ng Action King.

Si Lovi ay anak ni Da King sa dating actress/model na si Rowena Moran.  Maganda ang pagpapalaki kay Lovi, dahil marunong siyang rumespeto sa distansiyang dapat niyang gawin sa tunay na pamilya ng kanyang daddy.  Love na love namin ang magandang young actress, dahil nu’ng bagets pa lang siya at umeekstra kami sa mga teleserye ay nakakasama namin siya sa “Bakekang” ng GMA-7 noon.  Hindi siya pinagbago ng kasikatan, dahil simple pa rin siya hanggang ngayon.

Napakalaki ng grupo ng mga tao sa showbiz na rumerespeto kina FPJ at Susan Roces.  Nakikita namin noon ang sitwasyon, na kapag nasa paligid ni Lovi ang mga kaibigan nina FPJ at Susan ay lumulugar lang si Lovi sa tama.  Tahimik lang siya at nakikiramdam sa kapaligiran.  In fairness naman kay Lovi ay nakukuha na rin niya ang kasikatan na pinapangarap niya.  Maganda ang takbo ng career niya ngayon. Kaya saan man naroroon ngayon ang kanyang daddy ay masaya marahil si FPJ dahil sikat na nga ang kanyang anak. Melchor Bautista

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply