Kris, Diether huling nag-date

MARAMI ang naiintriga at nag-aabang na rin kung saan ba makakarating ang namumuong magandang pagtitinginan ngayon nina Kris Aquino at Diether Ocampo.

Kasi nga, tapos na ang promo at kumita na sa takilya ang pelikulang “Dalaw” ng Star Cinema na kanilang pinagtambalan, pero hayun nga at kung dati’y malapit na sila sa isa’t isa, ay mas lalo pa silang nagiging malapit ngayon.  Napapagbintangan tuloy silang dalawa, na parang ginagamit lang ang kanilang pagiging magkakilala para medyo makalimutan ang masasakit nilang karanasan sa pag-ibig.

Siyemper naman, mayroon lang mga pagkakataon na magaling magtago si Kris ng kalungkutan na kanyang nararamdaman.

Sa ngayon, kahit pa sabihing okey na ang friendship nila ng kanyang ex-husband na si James Yap, ay hindi pa rin maikakaila, na napakalungkot ng nararanasan ni Tetay, dahil sobra niyang minahal ang sikat na basketbolista, pero pagkatapos nga nilang magkaroon ng anak, si Baby James, ay nagkahiwalay din sila.  Hindi man nagmamadali, ay naghahanap ang puso ni Tetay ng bagong pag-ibig.

Lalo namang malungkot din ang mga pinagdaanan ni Diether, dahil sobra niyang minahal si Kristine Hermosa, na kahit ang gulo-gulo ng sitwasyon ng pagmamahalan nila noon, ay sinikap niyang maging maayos.

sana ang lahat, pero sa hiwalayan din sila napunta.  Nasundan pa iyon ng paghihiwalay nila ng huli niyang karelasyon na si Rima Ostwani.

Matagal makalimot si Diet, dahil malalim siyang tao.

Bagay sila ni Kris.  Kaya lang, ‘di ba’t ang hinahanap ni Tetay na bagong makakarelasyon ay ‘yung hindi na bagets?  Mas bata kasi si Diet kesa sa mommy ni Baby James.

–oO(O)Oo–

HINDI mabilis malunod ng tagumpay si Glaiza de Castro, kahit sa ngayon ay narating na niya ang kategorya ng isang artista na nakakapagbida na.  Ilang teleserye na sa GMA-7 ang kanyang nilabasan, at ang pinakahuli ay ang “Grazilda” kung saan marami ang nagulat at pumuri sa kanya, na talagang kaya na pala niyang magbida.

Sa ngayon, kapag pinupuri ang young actress sa gumaganda niyang movie career, ay simple pa rin ang kanyang mga sagot.  Nabibiyayaan lang daw siya ng magandang pagkakataon.

Kaya napaka-unfair nga naman para kay Glaiza na intrigahin siyang yumabang na siya kumpara dati nu’ng nagsisimula pa lang siya sa showbiz.  Kasi nga, marami pa rin naman sa mga dating nakasama ni Glaiza ang patuloy na nagpapatunaya, na wala pa rin namang ipinagbabago ang dalaga sa kanyang dating ugali.

Ang nagbabago lang daw, ay nagkakaroon na ngayon siya ng malalaking proyekto sa telebisyon at pelikula.

Hindi rin ipinagyayabang ni Glaiza, na ang magandang takbo ng kanyang movie career ngayon, ay dahil na rin sa kanyang naging desisyon na mula sa ABS-CBN ay lumipat siya sa Siyete.  Mas pinaniniwalaan daw ng young actress ang tamang pagkakataon.  Noon daw
nasa Dos pa lang siya ay masipag na rin siyang patunayan ang kanyang kakayahan.

“Medyo bata pa rin naman ako noon.  Ngayong dalaga na ako, ay ito siguro talaga ‘yung tamang panahon,” wika ni Glaiza.

–oO(O)Oo–

PERSONAL:  MARAMING salamat sa mga taong nagpasaya sa akin nu’ng birthday ko (January 6).  Salamat sa mga regalong natanggap ko mula kina Kuya Boy Abunda, sa ABS-CBN Corporate Communications Division, ganu’n din kina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Tates Gana, at sa lahat ng nagtext sa akin ng pagbati.  Tenkyu, tenkyu!  Ang babait ninyo! Melchor M. Bautista

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply