KTV bar sa Makati front ng bugawan at sex trade

ANG pakikipag-sex ng mga GRO sa Reposo KTV Bar sa Reposo St., near cor J.P. Rizal, Makati ang tatalakayin natin ngayon.

Ibang klase ang KTV Bar na ito na pag-aari ng isang alyas Erick  dahil ang pakikipag-sex ng mga GRO sa mga kostumer ang kinakalakal sa bar na yan.

Ang presyo kung gusto mong maka-sex ang isang  GRO ay P1,500 lang.

Sa mga VIP room lang ng KTV Bar na‘yan ay pwede nang “maka-sex” ng GRO ang kanyang kostumer. Pwede ring i-bar fine sa labas ng kostumer ang GRO pero mas malaki raw ang presyo nito.

Malakas sa City Hall ng Makati ang Reposo KTV bar dahil kahit marami na ang nakaaalam ng bugawan at sex trade  sa bar na yan ay hindi raw ito nire-raid ng pulis.

Basahin natin ang reklamo sa text message.

Gud pm, sir. Sana maging subject din ng column ninyo ang Reposo KTV bar sa Ma-kati. Ang sex sa mga GRO dun ay P1,500 lang. Mga parokyano ay taga-DBP, ADB, PLDT, Smart at Nokia. Pwedeng gamitin ang mga GRO sa  mga VIP, suma-sideline din sa labas pero mas mataas  ang singil. Ang may-ari  ay isang alyas Erick. Mukhang malakas  sa City Hall ng Makati kasi  kahit marami ang nakaaalam ng bugawan at sex trade doon  ay hindi nire-raid  ng pulis. Ang bugaw diyan ay Lulu o Mommy Lulu  ang tawag. Siya ang nag-aalok ng serbisyong babae roon. Pito ang VIP rooms doon puno pagdating ng alas-10 hanggang alas-3 ng madaling araw.

Sugalan sa Cardona pader

Hindi mapatigil ng kapulisan ng Cardona, Rizal  ang peryahan na front ng sugalan ni Nelba, hindi hinuhuli kahit  may  reklamo rito.

Palibhasa walang ipinagmamalaki itong si Nelba kundi malakas sila sa kapulisan ng Rizal. Grabe ang peryahan na ito, ultimo bata ay dumarayo rito.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.-Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply