Kumpanya ng damit pinakakasuhan ng DOJ

PINASASAMPAHAN ng Department of Justice (DOJ) sa korte ng kasong tax evasion ang isang kumpanya ng mga damit matapos mabigong magbayad ng tamang buwis na aabot sa P156.8 million.

Sa apat pahinang resolusyon na nilagdaan ni Prosecutor General Claro Arellano, pinasasampahan ng kasong paglabag sa National Internal Revenue Code ang Cardona Apparel kasama na ang mga opisyal na sina Shirley Yang, Presidente ng kumpanya; Raquel Villarante, Corporate Secretary at Zaldy Trinidad, accounting manager.

Nakasaad sa resolusyon na nakitaan ng probable cause ang reklamo laban sa Cardona, nang mabigo silang counter affidavit upang sagutin ang reklamo laban sa kanila. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply