Kumpirmasyon ni Ona naudlot, Ochoa lusot na

NAKABINBIN pa rin sa Commission on Appointment ang kumpirmasyon ni Health Sec. Enrique Ona ngunit nakalusot naman si Executive Secretary Paquito Ochoa.

Ito ay matapos ang pagtutol ni Sen. Miriam Defensor-Santiago dahil sa pagpabor ni Ona sa commercialization ng internal organs partikular ang kidney.

“Otherwise, we should not allow the commercialization of kidneys, because the masses do not understand what it entails. They could die for lack of aftercare, or they could lose their livelihood for lack of strength,” ang naging pahayag ni Senador Miriam Defensor- Santiago.

Binigyang linaw naman ni Sen. Ramon Revilla na “deferred” lamang at hindi bypassed ang ad interim appointment ni Ona dahil muli itong isasalang sa pagdinig ng CA sa susunod na Miyerkules.

Kumpiyansa ang senador na makakalusot pa rin sa CA si Ona oras na maayos nito ang problema kay Sen. Santiago na tanging miyembro ng CA na kumontra sa pagpapatibay ng appointment ng kalihim.

Samantala, tuwang-tuwa si Pangulong Benigno Aquino III na nalagpasan ni Executive Secretary Paquito Ochoa ang butas ng karayom ng makapangyarihang Commission on Appointments.

Si Ochoa na naging administrator ng Quezon City sa loob ng pitong taon mula 2003 hanggang 2010, ay pampitong kalihim na ni Pangulong Aquino na lumusot sa CA.

Napag-alaman na kabilang sa lumusot sa kumpirmasyon ng CA sina DENR Sec. Rogelio Singson, Agriculture Sec. Proceso Alcala, Tourism Sec. Alberto Lim, Energy Sec. Jose Rene Almendras, DTI Sec. Gregory Domingo at DepEd Sec. Armin Luistro. Vicky Cervales/Kris Jose

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply