Kung ano ang nakahain yan ang kakainin

HABANG parami nang parami ang mga umaalingasaw na usapin sa gobyerno, may tendensiya ang Malakanyang na umatras at mamili kung ano ang haharapin nito.

Dahan-dahan lang at mahina ang kalaban, tila ito ang gustong palabasin ng mga taga-Ilog Pasig.

Pero, sentido komon, mga Bro, na dapat harapin nila ang lahat ng mga naisasalang sa kanilang harapan.

Hindi sila pupuwedeng mamili ng haharapin lalo na kung pare-parehong mahalaga sa mamamayan ang mga usaping naririyan.

Magkasabay na umalingasaw ang plea bargaining agreement sa Sandiganbayan sa kaso ni Heneral Garcia at kalokohan sa militar.

Sinabayan ang mga ito ng mga kalamidad sa Bicolandia, Visayas at Mindanao at giyera sa Egypt na ikina-dedelikado ng mga overseas Filipino worker.

Umuusok pa rin naman hanggang ngayon ang carnapping with patay-sunog at lalong nagliyab ang apoy rito sa pagdadawit sa isang magiting na heneral sa kaso ng Dominguez case nga-yon.

Ang isa sa mga pinaka-iiwasan ng mga taga-Malakanyang ay ang pagsasabay ng pag-atake ng alimuom mula sa Camp Aguinaldo at Camp Crame.

Pero andiyan na nga ang sitwasyon at hindi na pupuwedeng pigilin pa.

Kung ano ang nakahain, kahit napakapait o napakapakla o bicol express pa yan, siya ang isusubo at kakainin.

Kapag namili ang Malakanyang ng haharapin nito, hindi maganda ang dating nito sa mamamayan.

Yan ang ayaw na ayaw nila, ang pagpapakita ng kawalan ng kakayahang mamahala ng mga taga-Malakanyang.
Makikita nila na nasa-yang lang ang kanilang boto nitong nakaraang halalan.

Heto ngayon ang payong kapatid o unsolicited advice.

Maghanap si PNoy at kanyang mga alalay riyan ng mga makatutulong.

Nasa 95 milyon katao, mga Bro, ang populasyon ng Pilipinas at tiyak na milyon ang pupuwedeng tumulong kung gugustuhin lang ni PNoy.

Imposibleng walang makukuha sa milyon-milyong mamamayan na may kakayahan sa paglutas ng mga problema.

Try niyo!

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333. Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.phBenny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply