Kuya Ching ng ‘Batibot’ pumanaw na

YUMAO na ang television, movie at stage actor na si Ching Arellano, na nakilala bilang ” Kuya Ching” sa pambatang programa sa telebisyon na Batibot, noong Sabado, Pebrero 13, sa edad na 50.

Ayon sa pinsan nitong si Pam Alejandro, namatay si Arellano dahil sa atake sa puso. Na-stroke ang aktor noong nakaraang taon.

Naging popular si Arellano sa Batibot, kung saan ay gumanap siya bilang si Kuya Ching, ang dyipni drayber na masuyuin sa mga bata.

Bukod sa Batibot, nagpakitang gilas din si Arellano sa larangan ng comedy sa seryeng “Oki Doki Dok,” kung saan ang sentrong karakter ay pinapelan ni Aga Muhlach.

Lumabas din siya sa iba pang serye tulad ng, “Lovers in Paris,” nina Piolo Pascual at KC Concepcion, at sa “Impostor,” nina Maja Salvador at Sam Milby.

Ang kanyang mga labi ay nakahimlay sa Floresco Funeral Homes sa Barangay Concepcion, Malabon City.

Si Kuya Ching ay iki-cremate sa Eternal Gardens sa Balintawak, Quezon City, Miyerkules, Pebrero 16. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply