Kalidad ng tinapay magbabago sa mais at kamote

MAAAPEKTUHAN umano ang kalidad ng tinapay kapag pinalitan na ng mais at kamote ang harina bilang pangunahing sangkap sa paggawa nito.

Ayon kay Mang David Ramos, may-ari ng panaderya sa Dagupan City, maaapektuhan ang kwalidad ng tinapay kung hindi na gagamit ng harina sa paggawa nito.

Una aniyang maaapektuhan ay ang lasa ganun din ang tekstura.

Ipinagdiinan ni Ramos na kung maaari ay huwag alisin nang tuluyan ang harina, bagkus ay ihalo na lamang ang mais at kamote sa paggawa ng tinapay.

Matatandaang nitong nakalipas na araw ay naglabas ng panukala ang Bakers Association na gumamit na lamang ng camote powder o corn powder sa paggawa ng tinapay dahil mas mura ito sa presyo ng harina. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply