La luna palida como hostia mistica

TO the swoon of winds tugging at my chest lifted of the day’s cares,  head rendered giddy with drink… a song rock-hard thaws, rills out of my  tummy and spills its notes calm like a shy scatter of stars… old as  memory.

To sing in dead earnest is to pray twice…kaya marahil walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin… sinasamba, idinadambana saka dinadamba na.

Sa  haraya ng harana iduduyan ang mga apo, kahit malayo ang mga damuho…
makakagawian nila ang haplos ng lamyos mula mga labi ng Diablolo…

Iidlip  na sana si Direk Dindo Angeles nang marinig na umuungol-alulong na
naman ako—aba’y baka ‘kikipagbuno sa bangungot—napilitang bumaba’t  ungkatin kung ano na ang kalagayan namin ni Dennis Fetalino… kaming  dalawa lagi ang aabutin ng madaling-araw, ‘kikipagtipan sa tuba’t tungga  sa ilang araw na pamamalagi sa pulo ng Ilin, sa kanlurang bahagi ng San  Jose, Mindoro Occidental.

At sa huling yugto ng tunggaan, may  udyok o tudyo ang pag-awit kasaliw ang koro ng mga kuliglig sa paligid…  mutya—malaking perlas ang isa pa nitong
kahulugan—ang pusyaw na mukha ng  buwan sa langit, “la luna palida como hostia mistica… llueve su calida luz eucaristica.” Sapat na ang ambon ng maputlang liwanag upang umalulong mula alumpihit na sikmura. The  moon stays in its heavenly course; the moon stays its curse in the  lycanthrope— so bay or bray at the orb like a donkey haughty.

Say,  can I carry a tune? I’d rather the tune carry me… that’s the twist of a
premise in Thomas Disch’s sci-fi fable, “On Wings of Song.” Uh-oh,  extant
celebrity rocker rendered jobless by trenchant religious  persecution turns to odds-and-ends work to subsist and pay for the  upkeep of life support systems of his missus in a coma… why, mullahs  plied a fatwa on singing that allowed a singer to soar to the heavens,  yeah, on wings of song.

Underground dead-end: rocker is shot down in a concert finale.

“Through the storm, through the night, lead me on to the light… Take my hand, precious Lord, lead me home…”

Tatlong  buwan sa sinapupunan ang isang anak nang yakagin sa isang pagtitipon ang kabiyak… konsiyerto ng mga awiting Pilipino… nakadantay sa kanyang  puson ang kamay ko’t nararamdaman ang pagkislot ng damuhong musmos sa  saliw ng musika… nakagiliwan yata ang mga titik ni Mang Levi Celerio,  “Sa Ugoy ng Duyan.”

So old an ember memory, stoked time and again like a shy scatter of stars in
spill of lullaby…Sana’y ‘di nagmaliw ang dati kong araw nang munti pang bata sa piling  ni nanay… Ibig kong maulit ang awit ni inang mahal… awit ng pag-ibig  noong ako’y nasa duyan.

Thus the cradle rocks to rule and reign, even over fatwa against songs that lift
hearts to the skies.- Dong de los Reyes

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply