La Salle ungos sa UST

PINADAPA ng La Salle ang University of Santo Tomas sa pamamagitan nang paghagip ng 25-20, 25-27, 18-25, 25-22, 15-12 comeback win sa UAAP women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan.

Sumangkal ang Lady Archers kina Cha Cruz at Stephanie Mercado dahilan upang makuha nila ang final two sets.

Sa panalong iyon, naiangat ng Taft-based spikers ang kanilang kartada sa 13-1 tungo sa Final Four.

Si Cruz ay nakadale ng 17 points habang si Mercado ay nagdagdag ng 15 markers sa pananatili ng bagsik ng La Salle laban sa Tigresses.

Samantala, sa men’s volleyball, ang defending champion University of Santo Tomas ay inungusan ang Far Eastern University tuktok ng standings matapos talunin ang Tamaraws, 25-18, 26-28, 25-17, 25-23. GP/RT

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply