La Salle, UST kampeon sa UAAP volley

TINAPOS ng De La Salle Lady Archers at ng UST Growling Tigers ang UAAP Season 73 Volleyball Tournament sa pagposte ng parehong straight sets na panalo Sabado ng hapon, Pebrero 26, sa FilOil Flying V-Arena sa San Juan City.

Inirehistro ng Lady Archers ang 25-18, 25-17 at 28-26 laban sa UST Tigresses habang hinablot naman ng Tigers ang 29-27, 26-24, 25-23 panalo kontra sa Far Eastern University Tamaraws para mawalis ang kani-kanilang best-of-three final series.

Nabawi ng Lady Archers ang korona sa last year’s champ na Tigresses at naitala ang kanilang ika-anim na titulo sa UAAP women’s volleyball.

Tinanghal na Most Valuable Player ng kampeonato sina Charlene Cruz ng Lady Archers sa women’s at si Jason Ramos ng UST Tigers sa men’s. RT

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply