LA tinambakan ng Miami

WALANG problema sa Miami Heat kahit nagtala ng season-low scoring 12 points si forward LeBron James dahil tinambakan pa rin nila ang Los Angeles Clippers, 97-79 at itala ang six games winning streak sa pagpapatuloy ng 2010-11 National Basketball Association regular season.

Naging agresibo pa si Clipper forward Blake Griffin matapos magpakitang-gilas ng isang dunk subalit bale wala ito sa Heat dahil binirahan sila ni Dwayne Wade ng 28 puntos at tig-walong rebounds at assists upang manatiling nasa unahan ng team standing sa Eastern Conference Southeast division na may 37-14 win-loss karta.

Tinarak pa ni Griffin ang kanyang 42nd double-double performance pero hindi pa rin umubra dahil nagdagdag din ng puntos sina Heat cagers Chris Bosh at Eddie House ng 16 at 15 pts. ayon sa pagkakasunod.

“We just weren’t sharp and weren’t good offensively,” anang Clippers coach Vinny Del Negro. “The guys battled. Our bench was poor today. We didn’t get anything from the bench, which really hurt us. We’re just not deep enough now to go through those lulls.”

Medyo inaantok pa ang laro ng Heat sa first quarter subalit nagising ang mga ito sa isang dunk ng rookie player na si Griffin kaya naman binigyan ni Heat bench player Mike Miller si James ng lob pass para sa isang transition dunk ng huli.

Binangga pa ni Griffin si James kaya tumalsik papalayo sa court ang huli.

Kaya sa sumunod na possession ay hiningi ng two-time NBA-MVP James ang bola upang pahiyain si Griffin sa isang acrobatic lay-up.

“Wins take care of themselves,” wika ni James. “That’s all that matters to me.”

Sa ibang NBA results, tinalo ng last year NBA runner up Boston Celtics ang Orlando Magic, 91-80 habang yumuko ang New Jersey Nets sa Indiana Pacers, 86-105. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply