Laban sa korapsyon ‘di dapat lumambot dahil sa suicide ni Reyes – CBCP official

IGINIIT ng isang mataas na opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi dapat lumambot ang laban ng pamahalaan kontra sa korapsiyon dahil sa ginawang pagpapatiwakal ni dating Armed Forces Chief of Staff Angelo Reyes.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng CBCP, hindi dapat na humina ang pagpupursige ng pamahalaang Aquino,  Kongreso, at Ombudsman na mahanap ang katotohanan at sugpuin ang korapsiyon sa gobyerno.

Ang marapat aniya ay higit pang magsumikap ang pamahalaan na sugpuin ang korapsiyon upang maiwasan nang maganap ang mga kahalintulad na insidente.

“I hope that this very unfortunate end of General Angelo Reyes will not make the Senate, the House of Representatives, the Ombudsman and the Aquino Administration soften their commitment to root out corruption in our country,” ayon sa CBCP official.

Si Reyes ay matatandaang nagbaril sa kaniyang dibdib sa harapan ng puntod ng kaniyang ina sa Loyola Memorial Park.  Isinugod pa ito sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay.

Ang pagpapakamatay ni Reyes ay isinagawa nito sa kasagsagan ng mga alegasyong nakatanggap umano ang yumaong heneral ng P50 milyong pabaon nang magretiro bilang chief of staff ng military. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply