Lacson, hindi libre sa aresto – Palasyo

NANINDIGAN ang Malakanyang na may  bisa pa rin ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court laban kay Senador Panfilo Lacson kahit na ibinasura ng Court of Appeals ang double murder case nito kaugnay sa pagpatay sa PR man na si Bubby Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000.

Iginiit ni Executive Secretary Paquito Ochoa, na ito ay dahil sa hindi pa naman pinal ang desisyon ng CA.

Mayroon pa umanong ibang legal remedy para rito at ito ay ipinauubaya na nila sa Department of Justice.

Ayon naman kay  Presidential Spokesman Edwin Lacierda, maari pang makasuhan si Lacson dahil hindi pasok ang prinsipyo ng double jeopardy at hindi pa naman nababasahan ng sakdal o na-arraign  sa korte ang senador.

Isang mahalagang requirement ang pagbasa ng sakdal para ma-invoke ang karapatan laban sa double jeopardy.

Nauna nang iginiit ni Justice Secretary Leila de Lima na puwedeng arestuhin si Lacson ng mga awtoridad sakaling lumantad na ito matapos ang desisyon ng CA, subalit sumagot naman ang kampo ni Lacson na kakasuhan ang sinumang darakip sa kanilang kliyente.

Sa pahayag ni Lacson, sinabi nitong nililito ni de Lima ang publiko.

Samantala, naghain na ng urgent motion for clarification ang kampo ni  Lacson sa CA kaugnay ng inilabas nitong ruling na ibinabasura ang warrant of arrest ng mambabatas matapos masangkot sa  double murder case.

Gusto ng kampo ni Lacson na ang korte mismo ang magbigay linaw kung executory na ang pagbasura sa warrant of arrest ng senador.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply