Lacson ipagtatanggol na ang sarili

MATAPOS ibasura ng Court of Appeals (CA) ang warrant of arrest laban kay Senador Panfilo Lacson, nakahanda na umano ang senador na ipagtanggol ang sarili hinggil sa kasong double murder na kinakaharap sa kanyang paglutang.

Ito ang iginiit ni Atty. Alex Avisado, isa sa mga abogado ni Lacson.

Ayon kay Avisado, matagal na nilang hinihintay ang pagkakataong malinis ni Lacson ang kanyang pangalan na halos isang dekadang kinakaladkad sa nasabing akusasyon.

Ang huli umano nilang pag-uusap ni Lacson ay nais lamang ng senador na mabigyan siya ng pagkakataon para mailabas ang katotohanan.

Matatandaang nagsimulang magtago ang senador noong 2010 matapos magpalabas ang korte ng warrant of arrest laban sa kanya kaugnay sa Corbito-Dacer double murder.

Nabatid na ang kahinaan ng kaso at ang inconsistencies sa testimonya ni Cesar Mancao ang naging batayan ng CA para ibasura ang kaso laban kay Lacson.

Nais naman ni Senador Francis Escudero na dapat igalang ng lahat ng sektor ang desisyon ng CA sa kasong double murder ni Lacson dahil hiwalay na sangay ng gobyerno ang hudikatura.

Samantala, sa sandaling  lumutang na umano si Lacson, maaaari na niyang pabuksan ang kanyang opisina sa Senado na ikinandado noong Oktubre sa utos ni Senate President Juan Ponce Enrile. Vicky Cervales

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply