Sen. Lacson pinalulutang ni Arsobispo Cruz

HINIMOK ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na lumutang na si Sen. Panfilo Lacson at patunayang inosente siya sa hinaharap nitong Dacer-Corbito double murder case.

Ito ay kasunod ng pagbasura ng Court of Appeals (CA) ng kanyang kaso at pagbawi sa warrant of arrest na ipinalabas laban sa kanya noon ng Manila Regional Trial Court Branch 18.

Ayon kay Cruz, dating pangulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), panahon na para lumantad ang senador, harapin ang batas,  linisin ang pangalan at ipagpatuloy ang trabaho sa Senado.

Sinabi rin ng arsobispo na bagama’t hindi santo ang senador, kumbinsido siyang inosente ito at hindi makakayang ipag-utos ang paggawa ng naturang karumal-dumal na krimen.

Naniniwala rin si Cruz na lalabas din ang katotohanan hinggil sa kaso ni Lacson.

Nagtago si Lacson noong Enero 2010 bago pa man makapagpalabas ng warrant of arrest laban sa kanya kaugnay sa kasong pagpatay sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at drayber nitong si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2000. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply