Lady drivers umarangkada sa EDSA

NAGSIMULA nang umarangkada ang mga babaeng bus driver sa kahabaan ng EDSA makaraang himukin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga kompanya ng bus na tumanggap ng mga babaeng tsuper na papasada sa mga lansangan.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, nitong Huwebes pa nagsimulang mamayagpag ang mga bus sa EDSA na minamaneho ng babaing tsuper matapos sumailalim sa puspusang pagsasanay.

Kabilang aniya sa mga kompanyang tumanggap ng lady drivers ay ang Aero Bus Express na kasalukuyan na ngayong namamayagpag sa kahabaan ng EDSA at inaasahan nilang marami pa ang susunod na bus companies na tatanggap ng lady drivers.

Sa kasalukuyan, may 32 pang kababaihan ang sumasailalim pagsasanay sa pagmamaneho ng bus na ipinagkakaloob ng MMDA.

Magugunita na hinimok ni Tolentino ang mga kompanya ng bus na tumanggap ng mga babaing tsuper dahil napatunayan sa pag-aaral na higit silang disiplinado at masunurin sa batas-trapiko kumpara sa mga lalaking bus driver. Johnny F. Arasga/Amor Virata

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply