Lady Eagles, durog sa Archers

NASA match point na ang La Salle laban sa Ateneo nang magkabungguan sina Michelle Gumabao at Abigail Marano dahilan upang mawala ang oportunidad na makaiskor na naging sanhi pa ng tawanan sa The Arena sa San Juan.

Sa kabila ng maraming pagkakamali sa laro, nagawa pa rin ng Lady Archers na masungkit ang 25-18, 25-11, 25-12 win laban sa Lady Eagles.

Ito na ang pang-11 na panalo ng Archers sa 12 laban na nagpatibay ng kanilang lead sa standings.

Napalakas ng grupo ang kanilang depensa dahil sa matatangkad na manlalaro kaya hindi umubra ang Ateneo.

“We really concentrated on our blocking against Ateneo,” pahayag ni La Salle coach Ramil De Jesus. “Ateneo is a fast team, so the only way you can stop them is through blocking.” Gilbert Perdez

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply