Lady importer kinasuhan ng BoC

KINASUHAN na sa Department of Justice (DOJ) ng Bureau of Customs (BOC) ang isang lady importer dahil sa paggamit sa kanyang kompanya bilang front ng mga smuggler at pagpapanggap bilang consignee ng iba’t ibang mga produkto.

Si Ma. Juliza Santi Josue, proprietor ng Caroline International Trading na may business address sa 720-E Quirino Highway Novaliches, Quezon City ay kinasuhan sa pamamagitan ng Run After the Smugglers (RATS) ng BOC  matapos madiskubre na ang tanggapan nito ay dilapidated at hindi kayang pumasok sa multi-billion peso operation.

Base sa reklamo ng BOC, noong Oktubre 2009 hanggang noong Hulyo ng nakaraang taon ay pumasok ang Coreline International sa importations ng iba’t ibang produkto na idineklara bilang 2,272 import entries na mayroong P203,137,180 subalit na-assess lang ng P50,076,240 para sa duties at taxes.

Lumalabas sa pagsusuri ng grupo ng RATS na ang inimport ni Josue ay naglalaman ng mataas na buwis subalit ibinaba na lamang o hindi idineklara ng tama.

Inihalimbawa ng BOC ang import Entry no. C-29240 na idineklara bilang 20-foot container  na naglalaman ng textile materials at bed sheets na idineklara sa halagang P35,000 subalit P13,471 lang na duties at taxes ang kanilang binayaran.

Inihayag din ni Deputy Customs Commissioner Gregorio Chavez na dahil sa sangkot ang kumpanya ni Josue sa importation ng mga produktong matataas ang buwis tulad ng electronic gadgets hanggang sa mga damit, ang 2,272 import entries nito  ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa P3 milyon mas mataas na P1.4 million per container.

Nadiskubre rin na ang Coreline International ay lumalabas na sa papel lamang at malinaw na ginagamit lamang ang kumpanya nito para sa pagkuha ng customs accreditation para sa mga tiwaling big-time financiers bilang dummy sa kanilang smuggling activities. Teresa Tavares

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login