Laguna napatulog ng Thai pug

HINDI nakiayon ang kapalaran kay Cebuano boxer Roel Laguna (11-5-2, 7 KOs) matapos itong matalo via knockout kay dating world-rated Thai boxer Fahsai Sakkreerin (31-2, 16 KOs) sa kanilang 12-round bout para sa International Boxing Federation (IBF) Pan Pacific 130-pound title na ginanap sa Thonburi University, Bangkok, Thailand.

Nabatid na mabagsik ang ipinakita ng Pinoy pug ngunit nakaganti si Sakkreerin nang makatama ng malakas sa panga sa second round.

Nagkaroon uli ng problema si Laguna sa fourth round nang kumonekta ng kanan ang Thai sa ulo hanggang sa magkaroon ng punit sa kaliwang kilay ang Pinoy dulot ng accidental head clash na nagpahina dito.

Pinatigil na ni referee Sanong Au Im ang laban nang mapasangkal sa lubid ang Cebuano slugger sa ika-anim na round.

Samantala, ang isa pang Pinoy boxer na si Elmer Francisco (11-13-1, 3 KOs) ay minalas din sa kamay ni Mike “Tyson” Tawatchai (19-0-1, 13 KOs) sa kanilang six-round bout.

Ang Thai pug naman na si flyweight Rusalee Samoh (11-3-2, 5 KOs) ay iginupo ang isa pang Filipino boxer na si Ricardo Andante (7-3, 4 KOs) nang dalawang beses itong natumba sa third round. GP

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply