Lahar ng bulkang Bulusan umagos sa mga ilog

UMAGOS ang hindi mabilang na dami ng lahar sa mga ilog malapit sa bulkang Bulusan bunga ng pag-ulan na naganap, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs bukod sa pag-agos ng lahar limang (5) volcanic earthquake din ang naitala sa paligid ng bulkan sa nakalipas na 24 oras.

Sinabi ng Phivolcs patuloy na nakataas pa rin ang alert level 1 sa paligid ng bulkang Bulusan at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone sa paligid ng bulkan  dahil na rin sa banta ng ash explosion.

Nabatid pa sa ulat bukod sa mga ilog na dinaluyan ng lahar mula sa bunganga ng bulkang Bulusan dahil sa walang tigil na pag-ulan umagos din ang lahar sa mga mababang lugar sa paligid ng bulkan.

Binalaan din ng Phivolcs ang mga residente na ninirahan malapit sa bulkang Bulusan na maging mapagmatyag dahil sa banta ng pagbuga ng abo mula sa bulkan gaya ng naganap nitong nakalipas na Lunes na nagbuga ng hindi mabilang na dami ng abo ang bulkang Bulusan na labis na nakaapekto sa mga residente naninirahan malapit dito.-Santi Celario

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply