Lakas-Kampi ‘constructive opposition’ ng administrasyon

LIMA ang magiging papel ng oposisyon na inihayag ni Minority leader Edcel Lagman matapos mahirang na bagong chairman ng Lakas-Kampi-CMD sa ginanap na re-organisasyon sa national council meeting, inulat ngayong araw, Pebrero 25.

Una, ang partido ang magiging alternatibo sa administrasyon.

Pangalawa, magiging vigilant sentinel ito upang suriin ang operasyon ng Ehekutibo at paganahin ang oversight functions sa mga dapat managot na Executive officials lalo na sa paggamit ng pondo at pagpapatupad sa mga alituntunin.

Pangatlong binigyang diin ni Lagman ay ang gagawing pagsusulong ng oposisyon sa mga pagbabago sa mga panukalang batas na sinusuportahan ng gobyerno at manatiling tagapagbantay sa mga paglabag sa Kunstitutsyon at pangunahing karapatan ng taumbayan.

Pang-apat ay magiging tagapagsalita aniya ang oposisyon ng mga sektor na hindi nabibigyan ng sapat na atensyon ng gobyerno o “marginalized and disadvantaged sectors.”

At ang panghuli ay magiging “constructive opposition party” sa mayorya o sa administrasyon.

Una nang nahalal bilang bagong presidente ng Lakas-Kampi Party si Senador Bong Revilla  habang vice chairmen naman sina Asst. Minority Leader Danilo Suarez, Maguindanao Rep. Simeon Datumanong, at Sorsogon Rep. Rolando Andaya.

Nahalal din bilang Executive-Vice President si Arthur Defensor Sr. at bagong secretary-general naman ang dating Lakas spokesperson na si Congressman Jose Aquino. Meliza Maluntag

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply