Lakers napahiya sa Bobcats

HINDI matanggap ng Los Angeles Lakers ang kanilang pagkatalo laban sa Charlotte Bobcats matapos silang tambakan ng 20 puntos, (89-109) sa nagaganap na 2010-11 National Basketball Association regular season.

Limang segundo lamang hinarap ni Lakers coach Phil Jackson ang mga reporters at pagkatapos ay umalis na ito habang si Kobe Bryant ay umalis agad sa locker room at dumeretso na sa bus na kanilang sasakyan pauwi sa Los Angeles.

“I’m embarrassed about what we did and that’s it,” inis na sinabi ni Jackson sabay alis sa harap ng mediam men at nag-iwan ng thank you.

Nagtulong sa opensa para sa Bobcats sina Gerald Wallace na gumawa ng 20 puntos at 11 rebounds at Gerald Henderson na nagsalpak naman ng 18 pts. upang payukuin ang two-time defending champions Lakers.

Sinara ng Lakers ang locker room upang hindi makapasok ang mga reporters subalit nakapanayam pa rin ng media sina Lakers center Pau Gasol at guard Derek Fisher.

Bumira ng buzzer beat 3-point shot sa third quarter si Wallace upang umalagwa ang lamang ng Bobcats na pag-aari ni NBA legend Michael Jordan, (78-60). Si Phil Jackson ang coach ni Jordan ng dalhin nito ang Chicago Bulls sa six titles. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply