Lalaki binoga sa lalamunan, kritikal

ISANG 19-anyos na lalaki ang nasa malubhang kalagayan ngayon sa pagamutan matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang naglalakad ang biktima Sabado ng gabi, Pebrero 12 sa Brgy. San Agustin, Malabon City.

Ang biktima ay nakilalang si Marlon Papiona y Tizon, 19, residente ng Lot 3435  phase 3, Lupha Brgy. Tonsuya, Malabon City ay kasalukuyng nakaratay at ginagmot sa Jose Reyes Memorial Hospital sanhi ng tama ng bala ng baril sa lalamunan.

Kasalukuyan namang  pinaghahanap ng mga awtoridad ang hindi pa nakikilalang salarin na pinaniniwalaang residente rin sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyong isinagawa ni P01 Edsel dela Paz, ng Station Investigation Division (SID) ganap na 8:30 kamakalawa ng gabi ng maganap ang insidente sa kahabaan ng Pascual st., San Agustin ng nasabing lungsod.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang bahay at pagsapit nito sa isang madilim na lugar ay bigla na lamang umalingawngaw ang putok ng baril at nakita na lamang ng ilang residente na tumumba ang biktima.

Agad na dinala sa nasabing pagamutan ng mga nakasaksi ang biktima habang ang suspek ay mabilis na tumakas bitibit ang ginamit na baril.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon upang alamin ang motibo sa pamamaril. Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply