Lalaki isinilid sa garbage bag

PINANINIWALAANG biktima na naman ng summary execution ang isang lalaking natagpuang  nakasilid sa isang garbage bag sa harapan ng tanggapan ng isang Trucking Services sa Tondo,Manila.

Tinatayang nasa edad 25 hanggang  30 anyos ang hindi pa nakikilalang lalaki na may taas na 5’6, miyembro ng “ Sigue Sigue Sputnik”at nagtamo ito ng  maraming saksak sa katawan.

Batay sa ulat ni Det.Giovanni Valera na isinumiti kay Sr.Insp. Armando Macaraeg, hepe ng Manila Police District –Homicide Section dakong  5:00  ng madaling araw nang mamataan ang biktima sa harap ng  Malonzo trucking sa Isla Puting Bato,Pier 2,North Harbor, Sa Tondo.

Sa ulat ng pulisya, naglalakad noon ang isang  estudyante, nang mamataan nito ang isang garbage bag , at dahil sa lakas ng kabog nito sa dibdib, minabuting ipagbigay alam na lamang nito sa pulisya.

Nang dumating ang nagrespondeng pulis, tumambad ang lalaki na nakasilid sa bag at dito nadiskubre na ang bangkay ay  nakatali ang kamay at paa,nakabalot ng plastic bag ang ulo at tadtad ng saksak ng icepick ang katawan.

Napag-alaman pa sa report ng pulisya na may  mga tattoo din sa likod ang biktima nang “Sputnik”, Ogie ; Lupin ; Charli ; ,Marta ; Butaw ; Abad at Danoy, habang “paper tong” sa dibdib at “Archie,Sanggano Jojo” naman ang naka tattoo sa kanang kamay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, walang nakakakilala sa biktima, kaya malaki ang hinalang pinatay sa ibang lugar, bago ito itinapon sa harap ng nasabing Trucking.

Gayunman , ang labi nito’y pansamantalang inilagak sa Saint Harold Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya at sa pagkakakilanlan dito.-Rene Crisostomo

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply